Mahal mo ba talaga ko? Kasi hindi ko makita yung effort na seryoso ka sakin at yung effort na ayaw mo kong mawala sayo gaya ng sinasabi mo sakin. Hindi naman sa nagpapaniwala ako, nadala na ko. May takot pa din ako. Kaya ang gusto ko marealize mo kung gaano yung sakit na pinadanas mo sa akin dati. Gusto kong bumawi ka. Gusto kong mag-effort ka. Dahil ang nasa isip ko, landi lang ang habol mo. Okay, meron kasi ako kaya siguro ganito.
Sana hindi. Sana seryoso ka nga. Sana mali lahat ng nasa isip ko. Sana totoo yung mga sinasabi mo. Pero sana wag lang puro salita, dagdagan mo naman ng gawa. Sana wag mo nang ulitin yung dati. Sana wag mo na kong saktan. Sana wag ka nang umalis. I WANT YOU TO STAY.
Napansin ko, may nagbago sayo. Hindi ko matukoy dito kung ano pero ramdam ko kung ano yun. Nakakainis. Tinutulugan ako palagi. Syempre isang sorry at I love you isang okay lang ang sasagot ko kahit minsan nakakatampo na nakakainis na. Lagi na lang ganon. Di bale, mahaba pa naman pasensya ko.. wag mo na lang sanang sagarin. Dahil kapag nangyari yun, ewan ko na lang.
Una pa lang, nung umamin ka sa akin. Sinabi ko sa sarili ko na oo ang tanga ko pero hindi ko 'to pagsisisihan dahil ginusto ko naman din 'to di ba? Sana wag nang maulit yung dati. Sana lang. Please.
No comments:
Post a Comment