Monday, October 21, 2013

First Lie

Galing mo no? Magsisinungaling ka na lang di mo pa kinuntsaba mga kasama mo. Fail. :-)

Alam mo ba masakit yun? Pakiramdam ko balewala lang ako sayo. Nung una lakas mo sa mga salita eh no kasi nakuha mo ko ulit. Ang laki ko ring tanga eh. Hindi na ko natuto. Sabihin na nating maliit na bagay lang 'to. Pero ilang beses na ba 'yang maliliit na bagay na yan? Hindi ba ang maliit na bagay lumalaki pag nadadagdagan pa ng isa? Lagi na lang ako yung umiintindi at nagtitiis sayo. Sana naman marealize mo yun. Palibasa kasi porket ngumingiti ako at sinasabi kong okay lang ako, akala mo okay na talaga. Wag ka namang manhid! Matuto kang makiramdam.

Sobrang bigat na naman sa pakiramdam. Wala na kong maiyak eh. Naubos na, dati pa. Puro sakit na lang dito.

Ngayon lumalabas sa cellphone ko yung notifications ng tweets mo. Ang cute naman, di mo ko nireplyan. Hehe. Pero minsan talaga eto pumapasok sa isip ko eh,

"Ano ba ko sayo? Ano ba tayo? MU lang naman eh diba? Eh di kung ganon, wala naman tayong karapatan sa isa't isa diba? Pero bakit minsan nagtuturingan tayo na parang tayo?"

May pakialam ka ba sakin? O baka naman landi lang ang hanap mo. Baka totoo yung nadinig ng kaibigan ko na kailangan mong humanap ng bagong girl para may malipasan ka ng oras?

Totoo nga.. yung taong binalikan mo ay hindi na yung taong kilala mo dati. They changed.

TANGINA ANG SAKIT. Pero sabi nila i-let go ko na daw. Hindi ko kaya. Hindi ko kayayanin yung sakit... pero ano nga ba mas masakit? Yung magstay ka sa bagay na nasasaktan ka o i-let go yung bagay na nakakasakit sayo kahit alam mong masasaktan ka din?

Published with Blogger-droid v2.0.10

No comments:

Post a Comment