Tangina naman o. 2014 na eh. Lintek na.. profile mo pa din laging binibisita ko. Tangina talaga bakit ba ang kulit kulit ko hindi ko macontrol sarili ko? -____- Hanggang ngayon visit pa din Facebook mo, stalk pa din Twitter mo. Tapos basa nung mga lumang convo. Tingin ng pictures. Ughhh. :(
You're my greatest love. Pero pakshet bakit hindi kita makalimutan. Bawat bagay na makita ko o bagay na ginagawa para sakin ng iba ikaw yung naaalala ko. Bakit kapag may ginagawa ako o mag-isa ko lagi kong iniisip paano kaya kung ikaw yung kasama ko? Pakshet naman oh. Nasa isip lang ba kita o nasa puso pa din? Nagsisinungaling lang ako pero sa totoo ikaw pa din naman. Hindi ko kaya amp.
Konting push na lang gagraduate na naman ako.. hindi na kita makikita. Bakit ba kasi ayaw tumatak sa isip ko na ilang beses mo na kong ginago/tinalkshit/sinaktan? Ang laging tumatatak sa isip ko yung alaala na kasama ka.. yung mga sinasabi natin sa isa't isa kahit na alam kong kalandian mo lang yun at hindi mo kayang tuparin. Nanghihinayang pa din ako. Nanghihinayang ako sa gagong tulad mo. Bakit ba kasi ganito. Wala na kong maramdaman.. manhid na manhid na puso ko sa sakit. Pero di pa din naging sapat yun para kasuklaman ka.
Eto lang lagi sinasabi ko sa sarili ko, hindi na ko babalik sayo kung sakaling magbalik ka. Promise....... nope. Kasi alam ko sa sarili ko na baka hindi ko din matupad.
ANG LAKI KONG TANGA. BOW. :) :) :)
