October 23, 2013
Uy galing one month na tayong MU ulit. Naks naka-isang buwan pa eh no? Yung isang buwan na yun, yung huling araw ng isang buwan.. Iniwan mo ko.
Ay mali. Iniwan mo na naman ako. Ang sabi mo walang iwanan. Sabi mo di mo na kayang mawala ulit ako sayo. Sabi mo mahal na mahal mo ko at di mo na ko papakawalan. Sabi mo di mo na gagawin yung ginawa mo dati. Sabi mo lang pala. Kahit kailan hindi mo pinanindigan mga sinasabi mo. Tanga ko talaga, naniwala pa ko sayo. Umasa tuloy ako. Isa kang napakalaking talkshit, duwag, immature at paasa! Pero kahit anong galit ko sayo, kahit anong mga kagaguhan na ginawa mo sakin mahal pa din kita eh. Di mabago-bago 'to. Sana magka-amnesia na lang ako at hindi na kita maalala ulit. Yung simpleng bagay na kinagalit at kinainis ko, lumaki. Kasalanan ko ba? O kasalanan mo dahil sumuko ka agad? Sana magsisi ka.
This will be the last time. LAST. Last time. No more. Tama na. One is enough. Two is too much. Three is dangerous.
Sana marealize mo yung kagaguhan mo. Sana magbago ka na. At kung magmamahal ka ulit, wag mo sanang gawin yung ginawa mo sakin sa taong yun. Malas siya kung sino man siya. Hanggang landi ka lang. Magsisi ka sana sa mga ginawa mo. Tandaan mo, babalik lahat sayo yung mga ginawa mo.
Minsan naiisip ko, tinake for granted mo lang yata ako eh? Porket alam mong may babalikan ka, kampanteng-kampante ka. Porket alam mong mahal kita, kampante ka na hindi ako yung mang-iiwan. I don't deserve a guy like you. I deserve a better one. And you also don't deserve a girl like me. You deserve someone na gagaguhin ka din tulad ng mga pang-gagago mo.
Sana maging masaya ka. Alam ko naman na masaya ka sa pag-iwan mo. Sana tumino ka na. Sana magpakalalaki ka na. Sana maka-move on na ko ng tuluyan sayo.
I love you John Isaac Gonzaga, and GOODBYE.
