Sunday, May 19, 2013

MAJA

Pwede naman magselos kahit walang karapatan diba? Basta naramdaman mo yun di mapigilan eh. Nakakainis naman. Pero kahit sinabi niya na crush niya daw ako, tapos ako pa homescreen sa cellphone nya.. kinikilig daw siya sakin. Bakit naiisip ko pa din na baka hindi lang ako yung ginaganyan niya? Yung sweet..

Eto naman si girl syempre sanay na eh kaya marunong ng dumamoves. Wala ng pakipot sa katawan palibhasa MAJA siya eh.. MAJArot.

Argh sorry but I don't mean to offense the girl. Pero naiinis lang ako talaga. Hahaha. Ayun lang. Bye.

Published with Blogger-droid v2.0.10

Monday, May 6, 2013

Eto na naman.

Hindi ko yata kayang lokohin o bulagin ang sarili ko. Hindi ko alam kung bakit.. pero kahit ayoko ikaw pa din nilalaman ng puso ko. Anong klaseng gayuma ba ang ginamit mo sakin? Ayoko na. Hindi ko kayang lokohin sarili ko na may gusto kong iba, dahil siguro alam talaga ng puso ko na ikaw pa din ang nagmamay-ari nito kahit ikaw hindi na ako ang nagmamay-ari niyan.

Makakasakit na naman ako. Kakayanin ko din naman siguro 'tong itago na lang ulit. Ganon naman eh, nasanay na kong magtago ng kung ano man ang nararamdaman ko.

Iba pa rin siguro talaga na kahit alam mong sa sarili mo na binibiro ka ng isang tao, iba pa din yung biro kahit sumosobra na kapag yung mahal mo yung nagsasabi o gumagawa sayo nun.

Di ko maiwasan na puntahan lagi yung Twitter mo kahit sabihin kong sa sarili ko na "wala naman 'tong pakialam na sa akin eh." Minsan iniisip ko na sana kahit minsan o isang beses nagkamali ako ng iniisip ko no. Asa naman ako.