Strike 1: "Alou nakita ko sila magkasama, kasama pa si *toot* nagsimba sila. Walang pansinan na naganap grabe ang awkward. Dumiretso sila sa Friendzoned."
Strike 2: Pag-open ko lang naman ng Facebook picture nila ang nakita ko.
Strike 3: Picture naman nila sa Instagram ang bumulaga sa akin.
SHOOT! TRIPLE KILL.
Ang saya saya. Tara tawa nga muna! Hahahahahahaha!! :) :) :) Gara naman friend? :) Tanong tanong ka pa sa akin kung okay lang ako na ang bago niya eh yung kaibigan mo, tapos sorry sorry pa. Ang gara naman? Kung sa una pa lang alam mong masasaktan ako sa gagawin mo sana di mo na lang tinuloy diba? Ang sakit lang isipin na dati kino-comfort mo pa ko sa kanya tapos ikaw pa nag-aayos sa amin tapos ngayon sa kanila mo naman ginagawa. Siguro dapat ko na lang talagang tanggapin na lahat na talaga nagbago. Pero masakit eh. Masakit nung nakita ko pa yung picture. Masakit na itetext pa ko ng mga kaibigan at mga kakilala ko na, "Alou, may bago na pala si *toot*?" ARAY lang.
Kahit sabihin ko sa sarili ko na hindi siya worth it at kahit ipaalala ko sa sarili ko na ginago ako nun at dapat ko na siyang kalimutan, bumabalik pa din yung sakit eh. Dapat hindi na ako apektado. Dapat hindi na ko nagkakaganito. Dapat hindi na ako umiiyak. Pero bakit ganon? Kahit anong gawin ko naaapektuhan pa din ako at nasasaktan pa din ako.
Pinipilit ko naman na wag nang magtanong tungkol sa nangyayari sayo eh. Pinipilit ko din na hindi ko na basahin yung mga texts mo dati. Pinipilit ko din naman na huwag nang buksan yung profile mo. Pero minsan di ko maiwasan eh. Ang tanga tanga ko naman kasi. Ako din yung nananakit sa sarili ko sa ginagawa ko. Tulungan niyo naman akong makalimot please? Sana magka-amnesia ko at siya lang talaga ang makakalimutan ko.
No comments:
Post a Comment