Thursday, February 7, 2013

Bitter post #1

63 days na ang nakaraan.. Ang bilis mo naman atang magpalit? O dahil hanggang ngayon di pa din ako makalimot at makahanap ng bago? Kinain mo lang lahat ng sinabi mo sa akin dati. Sabi mo, ako lang mahal mo kahit magkahiwalay tayo. Sabi mo tuuparin mo yung promise mo sa akin. Ang tanga ko no? Hanggang ngayon naniniwala pa din ako sa pinagsasasabi mong kalokohan sa akin.

Ngayon nalaman ko, may bago na nga. Kwento nga sa akin lagi daw kayong magkasama. Nagkukulitan, nagtatawanan, naghaharutan.. Parang tayo lang dati yan ah? :) Minsan nga iniisip ko, ano kaya kung yung mga sinasabi mo sa akin dati sa kanya mo naman sinasabi ngayon? Nakakatuwa naman kung ganon. Naging recycle bin ang peg ni girl. :>

Nakakatawa nga eh, may nagsend pa sa akin ng GM ni girl. Kagulat ka teh. Mukhang ang laki ng gusto mo sa kanya ah? Wagas kung makapag-iloveyou sa GM. Ang bilis girl, atat much? Ano ba habol mo dyan? Mukha niya? Hahahaha! Eh gago nga ang pagmumukha na yan eh. Sorry ang bitter ko ba? May pinaghuhugutan lang. :) Hindi naman dahil hanggang ngayon gusto pa din kita kaya nagkakaganto ako, dahil ang totoo ay pinakita mo sa akin na hindi ka nga talaga karapat dapat na iyakan at hindi ka din karapat dapat sa akin.

Gara nga eh, yung iba naghihintay at nagtiyatiyaga sa akin dahil mahal "daw" nila ko. Minsan gusto ko lang naman din na may magpakita sa akin na mali na puro salita lang kayong mga lalaki. Kahit isa magkaroon ng paninindigan. Buti pa sila no? Ikaw, isang hello mo lang bagsak na naman ako sayo. Pero ngayon, promise ko.. Kung babalik ka man, natuto na kong magsabi ng, "GO AWAY PLEASE" nang ikaw naman ulit ang masaktan. :) :) :)

Published with Blogger-droid v2.0.10

No comments:

Post a Comment