Bakit ganon? Kahit pilitin mong maging masaya dadating pa din yung oras na bigla mo siyang maaalala tapos malulungkot ka na lang dahil bumabalik yung sakit na pinaramdam niya sayo dati? Masakit pa din eh. Kahit sabihin kong okay na ko, nagbitter bitteran na ko't lahat, masaya na ko, pero parang may kulang pa din eh..
Ang saya no, nagpapanggap ka lang na masaya ka at tinatago mo yung tunay mong nararamdaman at paniwalang paniwala naman yung mga taong nasa paligid mo. Hindi kasi porket nakangiti o tumatawa ka minsan ibig sabihin masaya na eh. Dito ko nalaman na hindi talaga ako kilalang-kilala ng mga kaibigan ko at mga taong nasa paligid ko. 'Di ba kung minsan tumingin ka lang sa mata ng isang tao doon mo malalaman kung masaya ba siya, natatakot ba siya, nagsisinungaling ba siya o nalulungkot ba siya.. Gusto ko lang naman kahit isang tao.. Tumingin sa mata ko at sabihin na magiging okay din ang lahat. :( :( :(
Drama ko ba, sorry na. Wala sigurong makakaintindi sa akin at sa nararamdaman ko..
No comments:
Post a Comment